Pages

Monday, August 15, 2005

Kuting's Kitchen Trip - Tuna with Tokwa in Oyster Sauce

Blogger Note: Para maiba naman ang aking nire-review (actually, medyo kailangan na talagang bawasan ang pagdi-dine out kasi magastos!!!), iblo-blog ko na rin ang aking mga adventures sa kusina. You will get to read how I interpret simple recipes and blow by blow accounts of what's happening in "Kuting's Kitchen Trip"!

Tuna with Tokwa in Oyster Sauce
(sa totoo lang, inisip ko lang 'to =)


2 slices of tokwa
1 can of Century Tuna in oil
1 pc onion, chopped
1 1/2 spoons of oyster sauce

1. Fry the tokwa. It is best to slice it into thin pieces to lessen fying time. Drain and set aside.

2. Separate the tuna and the tuna oil.

3. In another pan, saute onion. Add the tuna. Saute some more =)

4. Add some of the tuna oil just to make the tuna a little moist.

5. Stir in the oyter sauce.

6. After stirring, add the tokwa. Stir some more =)

Comments:

Tadaah!!! A healthy dish - and cheap too!

Lessons Learned:

Do not put the tokwa in the freezer. Place it in the chiller so that you don't have to thaw it come cooking time. =)

Pizza Hut (SM North Edsa)

Mga Inorder:

1. Bbq Spareribs - Manamis-namis. Malambot ang karne. Sulit ang ibinayad namin! Dapat apat na piraso yung isang serving, kaso sa sobrang gutom namin, nakain na namin yung dalawa bago namin naisip na kunan ng picture =)












2. Java rice - Ayos ang lasa. Bagay na bagay sa pagkatamis ng bbq spare ribs.














Overall rating: Matagal tagal din kaming di kumakain sa Pizza Hut kasi pizzang mamantika lang naman ang nakikita namin sa menu nila. Pero, laking gulat (hwaaat?!!) namin na may bago ng dishes ang Pizza Hut! Okay naman ang lasa at di mabigat sa bulsa. Hmm, gusto ko rin tikman yung ibang bagong dishes - excited na ako!!

Wednesday, August 10, 2005

Via Mare Oyster Bar (Gbelt 3)

Mga Inorder:

Salpicado - The meat is very juicy and tender. The lumpia is tasty and the taste of the bean sprouts (toge) is not very strong (in a good way!). Yummy!














Overall rating: The food is delicious but expensive. The only reason why I was able to sample the dish above is that I had a lunch meeting with my boss and managers in Via Mare and my boss paid for our lunch (isn't she the best?!). It seems like Via Mare is becoming the official venue of our meetings (we also held our last lunch meeting here). I can't wait for our next meeting!

Monday, August 08, 2005

Sugar House (Glorietta)

Mga Inorder:

1. Callos – Malinamnam. Wala kang malalasahan na anumang artipisyal na rekado (halimbawa, betsin). Mainam kainin kung naglilihi ka sa lamang loob...=)














2. Four Seasons – Tamang tama ang timpla. Natural na natural ang dating sa panlasa.













Over-all rating: Babalik-balikan! Dito ako sa Sugarhouse kumakain pag mag-isa lang akong namamasyal sa Glorietta. Maliit lang kasi ang lugar kaya hindi halata na wala kang kasama dahil hindi layo-layo ang mga mesa. Tamang-tama lang ang distansiya ng mga ito. Hindi ko lang magawang kumain ng mga minatamis o ”keyk” (hmm, ano kayang tagalog nito?) dahil...hindi po ako nagdidiyeta...mahal kasi =)

Sunday, August 07, 2005

Pancake House (Gbelt 1)

Mga Inorder:

1. Almondigas – in common terms, miswa with bola bola. The taste is not so strong (meaning hindi naman maalat, at hindi naman masarap na masarap he he he).












2. House Iced Tea – parang lemon na C2! Hindi siya lasang Lipton..












3. Steamed Chicken in Pandan – one of my favorite dishes sa Pancake. The chicken is tender and I really love the combination of ginger and chicken! The “sauce” (ano ba English ng “sawsawan”?) is made of lemon and something – simply delicious!












Over-all Rating:

I give it 41/2 spoons….eka ba’t may spoon – spoon at bigla akong nagii-ingles sa blog entry na ito? Ginagaya ko kasi si Angel Aquino sa F para hindi puro masarap ang tina-type ko – delicious naman! He he he....

Balik sa rating – you will definitely love these dishes!

**kasama namin sina moowa, Dax at Tumbi noong kinuhanan ang mga pix na ito =)

Saturday, July 30, 2005

Jo's Chicken Barbeque (Visayas Ave, QC)

7.30.05

Inorder:

1. Chicken Inato meal - the best chicken bbq ever! iba ang lasa niya. hindi katulad ng chicken inasal. hindi rin siya lasang "kanto" bbq. basta. masarap.










2. Canton Macao - simply delicious! di siya maalat katulad ng mga ordinary pancit canton. para siyang chopseuy na may canton - sarap!











Overall rating: um, wala akong alam sabihin kundi masarap...=)

Tuesday, July 26, 2005

Gerry's Grill (Glorietta 3)





Mga Inorder:

1. Bulalo - empre, masarap! lalo na pag buong buo ang "utak" sa bulalo (ang sarap! kamag-anak ko kasi si Hannibal!)






2. Nilasing na Hipon - ok lang. ayos lang ang pagka-crispy ng hipon...la masyadong "arrive"...












Overall rating: The food above are not the best sellers of Gerry's. Syempre, masarap talaga yung mga favorite namin tulad ng hipon sa taba ng talangka (kaso, inalis na sa menu siguro dahil sa takot na may atakihin sa puso pagkatapos kumain nito), tuna sashimi, kilawing tuna, sisig!!, kuhol, at marami pang iba. Di bale, i-redeem ko ang Gerry's sa next review (baka matagal nga lang dahil nagtitipid din kami for our trip down the aisle...)

Tuesday, July 19, 2005

Kwang Tong (Greenbelt 3)




Mga Inorder:

Hakaw - mas masarap pa din ang sa Chubby China

Cold Cuts - masydong matapang ang seasoning ng jelly fish

Roasted Platter - matigas pala ang roasted duck; matamis masyado ang pork asado

Mango Juice - Masarap at malaki ang baso!!!

Overall Rating: Ayos lang..=)

M Cafe (Greenbelt 4)





Mga Inorder:

Pan Grilled Pink Salmon with Mashed Potato - masarap! creamy ang mashed potato at sulit yung salmon!

Baked in Coconut Milk Tiger Prawns - disappointing. ala masyadong lasa.

Green Mango Iced Tea - parang green mango shake less the crushed ice! madaling inumin!

Dalandan Iced Tea - masarap daw sabi ni bibi

Overall Rating:

Malas lang namin sa tiger prawns. Pero masarap naman yung salmon at yung drinks. Maganda ang ambiance. Great for dating. Pwedeng pede pag galit sa pera ang mga tao. Exception ngayon kasi b-day naman ni bibi.

Next Door (Makati Avenue)



Mga Inorder

1)Jelly Fish with Century Egg










2)Siomai










3)Chicken Feet










4)Spare ribs










Over-all rating: Masarap!!!! Sa katunayan, everytime na may activity sa church at medyo tight sa oras, dito kami lagi kumakain. At saka pag naglilihi kami sa chinese food..=)