Kitang kita ang kagalakan naming mag-anak kapag kami ay nasa Saboten. Ito ay isa sa mga paboritong kainan namin dahil ang daming nakakain ni buting. Sulit!
Nakakapanibagong mag blog ng diretsong tagalog :)
Balik sa pagkain - ang gusto ko sa Saboten ay ang unli miso soup at cabbage salad na lalagyan ng sesame dressing. Si bibi naman, hindi malilimutan ang oyster. Nalimutan ko ang tawag pero dito lang ako nakakain ng malaki at malinamnam na oysters. Mahalia lang. Si buting - lahat ay gusto mula cabbage salad (yehey! gulay!), tenderloin tonkatsu, lemonade at vanilla ice cream. Kaya bondat na bondat si buting pagkatapos :)
At may free kiddie meal voucher para sa next visit! Babalik talaga kami!