Bigla ko lang naiisip habang kumakaing mag isa sa Tim Howan, Uptown, magpost ako ng pics of what I eat when dining solo. Actually, matagal ko na syang ginagawa, simula nung nagstart ako magwork dahil mahilig akong gumimik mag-isa (hello introvert). Pero ngayon ko lang naisip gawin syang regular labelled post, with matching hashtag (nagmimillenial). Haha. Walang magawa. Happy that my work hours allow me to have this short but sweet time to myself. Need din naman talaga yung ng mga working moms. Wag lang madalas kasi magastos hahaha.
So for my first #yanadiningsolo post:
Where I ate:
== > Tim Howan, Uptown Mall, BGC
What I ate:
== > congee with lean pork century egg and salted egg (Php148)
sosyal na lugaw. comfort food ko talaga ito simula bata pa ako. lalo na nung college kasi Php15 lang yung plain lugaw sa Vinzons Hall, UP Diliman. Swak sa budget nung mga panahon na yun. In fairness, love ko to because of the century egg and di nakakaumay yung congee itself.
==> salt and pepper tofu with chinese vegetable (Php150)
sosyal na tokwa hahaha. i still love eating my old favorites na mumurahin noon, pinasosyal at pinamahal ngayon :) Inorder ko ito kasi di ba, bagay ang lugaw at tokwa? Part sya ng Chef's Special at limited time lang ang availability. Tingnan natin hanggang kelan ito limited. Ok yung twist kasi nasa ibabaw talaga ng each tofu cube yung gulay. Maiba naman. Fried man yung tofu, di siya mamantika.
So there, my first #yanadiningsolo post. Saan kaya sa susunod? At kelan ang susunod na post? Abangan!
*prices exclusive of 10% service charge