Matagal na kong huling nakakain sa Tokyo Tokyo, siguro isang dekada na. Dahil na stress ako (naiwan ko yung credit card ko sa National Bookstore Greenbelt ng tanghali, gabi na ng mapansin ko sa bahay) at gutom, napakain ako sa Tokyo Tokyo sa Greenbelt din. Gusto ko kasi ng light lang at bago sa panlasa kaya inorder ko ay Black Garlic Ramen with karaage at red iced tea.
Ang verdict: namnam ang ramen! Kakaiba sa usual ramen na nakakain ko siguro dahil ngayon lang ako nakatikim ng black garlic flavor. Yung karaage, no-no :( ang alat eh. Yung red iced tea, classic na talaga, namnam din.
Flashback : nung first job ko sa isang big auditing firm, halos 19 years ago (yes ang tanda ko na), dinala kami ng mga seniors namin sa Tokyo Tokyo sa Greenbelt. Nakalocate siya sa Steel Parking ngayon na tabi ng McDo (McDo na sya nun). Awkward kasi sosi levels na sa amin yun. Kung McDo nga, bagong sweldo levels, Tokyo Tokyo pa. First time kong makakita ng chopsticks in real life at amazed na amazed ako sa california maki! Wala pang masyadong kainan nun sa Greenbelt 1. May Fairmart (not sure sa name) pa nun tsaka bowlingan sa lugar na yun. Hay. Those were the days...